Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita ng ika-40 anibersaryo ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) nitong Lunes, Pebrero 6, 2023.
“We are committed to supporting NKTI in all these noble endeavors and together I am confident that we can rise to the challenge of fighting kidney and renal disease so that our people can leave better, live longer lives”, winika ng Pangulo.
Pinuri rin ng Pangulo ang mga naging tagumpay ng NKTI sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa mga Pilipino simula nang maitayo ito noong 1983 sa ilalim ng administrasyon ng kanyang yumaong ama, Presidente Ferdinand Marcos, Sr.
“Since its inception in 1983, almost 400,000 patients have been given quality renal care, including transplants, dialysis, and treatment sessions. Thanks to the men and women of NKTI,” aniya.
Nanindigan si PBBM na mahalagang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga mamamayan at masigurong accessible at cost-effective ang mga serbisyong ito para mas mapababa ang kaso ng pagkamatay na sanhi ng kidney disease at kidney failure.