Inutos ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Health (DOH) na maliban sa paglaban sa COVID-19, iprayoridad ang paglaban sa human immunodeficiency virus (HIV) at tubercolosis (TB).
Ayon sa pangulo, kailangang magkaroon ng refocus para sa general public health concerns.
Ang HIV o AIDS aniya ay isang chronic and nakakamatay na sakit na dapat mapagtuunang pansin ng gobyerno.
Kanina ay nagkaroon ng pagpupulong ang pangulo kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire patungkol sa Tubercolosis-DOST Program para makagawa pa ng mga hakbang na makakabawas sa bilang ng mga nagkakaroon ng tuberculosis sa bansa.
Sa pagpupulong sinabi ni Vergeire na ang tuberculosis mabilis kumalat.
Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay marami nang multi-drug resistant cases ng TB dahil mabibili na over-the-counter ang anti-TB medicines.
Bukod dito, nakipag-partner na rin daw ang DOH sa United States Agency for International Development o USAID pagkatapos itong mag-donate ng tool na ginagamit para artificial intelligence.