PAGBABAWAS DIUMANO NG PERA SA FINANCIAL ASSISTANCE NA IPINAMAMAHAGI SA MGA FARMERS SA BAYAMBANG, NILINAW NA WALANG KATOTOHANAN

WALANG KATOTOHANAN. Ito ang giit na paglilinaw ni Bayambang Mayor NiƱa Jose-Quiambao sa nagsulat at nagsabi na babawasan diumano ang financial assistance na para sa mga magsasaka sa bayan.

Sa post na ibinahagi ng alkalde sa kanyang official facebook page, may nagsulat at nagsabi sa kanya na babawasan ng 2k ang 5k financial assistance para sa mga farmers sa rollout ngunit nilinaw ng alkalde na walang katotohanan ito.

Buong 5,000 pesos ang matatanggap ng mga farmers sa bayan at walang bawas na magaganap.

Dagdag pa ng alkalde, kung may hindi man sumunod dito ay maiging i-report ito mismo sa kanya at sa Departamento para sa agrikultura ng kanilang bayan. | ifmnews

Facebook Comments