Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Air Force (PAF) na ipagpatuloy ang pagpapalakas sa kapabilidad nito sa pamamagitan ng pagtiyak na mapapanatili ang air assets ng gobyerno.
Sa talumpati nito sa ginawang inspeksiyon ng C-130T Aircraft Clark Air Base sa Pampanga kahapon, pinaalalahan ng presidente ang PAF na gawin ang routinary checkup at regular na engineering services bilang dagdag na safety requirements.
Ang pahayag ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa harap ng tungkulin na ginagampanan ng PAF lalo na sa panahon ng mga kalamidad na nangangailangan ng agarang responde.
Sa ganitong mga panahon ayon sa pangulo ay walang oras na dapat masayang dahil buhay ang nakasalalay.
Humingi rin ng panalangin ang pangulo sa tuwing ginagamit ang nasabing air assets ng PAF lalo’t para sa kabutihan at benepisyo ito ng mga Pilipino.