Crucial role ng advertising industry, kinilala ng DTI sa anibersaryo ng Ad Standards Council

Kinilala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang malaking kontribusyon ng advertising industry sa pagprotekta sa consumers.

Sa kanyang talumpati sa ika-15 anibersaryo ng Ad Standards Council (ASC), sinabi ni Trade Sec. Alfredo Pascual na katuwang ng DTI ang ASC sa pagpapalaganap ng DTI Consumer Protection.

Ito ay sa harap ng paglobo ng bilang ng mga reklamo na natanggap ng DTI sa kasagsagan ng pandemya hinggil sa online scam.


Umaasa rin si Sec. Pascual na magpapatuloy ang pagtutulungan ng DTI at ng ASC para matiyak ang kaligtasan ng consumers.

Binati rin ng kalihim ang mga bagong opisyal ng ASC sa pangunguna ni 2023 Ad Standards Council Chairman, KBP Vice President at RMN Networks Senior Vice President Butch S. Canoy.

Facebook Comments