Wednesday, October 14, 2026

PBBM, pinatutukan na ang inaasahang paglala ng El Niño sa bansa

COURTESY: NOAA

Tinututukan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inaasahang paglala ng El Niño na posibleng umabot sa very strong El Niño mula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangan nang paghandaan ng pamahalaan ang mga posibleng epekto ng matinding tagtuyot, lalo na sa suplay ng tubig, agrikultura at iba pang pangunahing sektor.

Ito ay kasunod ng pahayag ng PAGASA na nagsimula na ang El Niño at maaari pang lumakas hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Bukod dito, patuloy rin umanong tinututukan ng pangulo ang krisis sa Middle East, na nangangailangan din ng agarang aksiyon ng pamahalaan.

Facebook Comments