
Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kalagayan ng apat na Pilipinong nakakulong sa United Arab Emirates (UAE) matapos mag-post sa social media ng mga video ng pambobomba.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga Pinoy, kabilang ang pagtiyak sa kanilang kondisyon sa kulungan at pagbibigay ng kinakailangang legal assistance.
Iniutos din ng pangulo na pag-aaralan ang kanilang sitwasyon at tiyaking naipagtatanggol sila ayon sa batas ng bansang kanilang kinaroroonan.
Gayunman, hindi pa tiyak ni Cacdac kung kailan sila makakalaya o makakauwi sa Pilipinas dahil patuloy pa ang legal na proseso na kanilang kinakaharap.
Facebook Comments










