PBBM, pinirmahan ang dalawang proclamation na nagbabago sa pangalan ng walong kampo at property ng PNP

 

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Proklamasyon Bilang 429 at 430 kung saan binago niya ang pangalan nang nasa walong kampo at ari-arian ng Philippine National Police (PNP) bilang parangal at pagkilala sa mga dating pulis na naglingkod ng tapat sa bayan.

Batay sa Proclamation No. 429, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binanggit ni Pangulong Marcos Jr., na dapat lamang na bigyan ng pagkilala ang mga dating pulis na nagpakita ng halimbawa sa kanilang serbisyo at dedikasyon sa paglilingkod sa mga lalawigan at bayan kung saan sila nakatalaga.

Dahil dito, pinangalanan ng pangulo ang donated na lupa sa PNP sa Pasacao, Camarines Sur bilang Camp Brigadier General Ludovico Padilla Arejola; ang donated lot naman sa PRO-5 bilang Camp Captain Salvador Jaucian del Rosaro Sr., at ang Camarines Sur Police Provincial Office bilang Camp Colonel Juan Querubin Miranda.


Batay pa sa proclamation, ang 50th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 5 ay pinangalanan na bilang Camp Police Max Jim Ramirez Tria habang binago rin ang pangalan ng Camp Efigenio C. Navarro, PRO MIMAROPA Headquarters at ginawang Camp Brigadier General Efigenio C. Navarro.

Nakasaad naman sa Proclamation No. 430, binago ng presidente ang pangalan ng Police Regional Office 12 sa General Santos City na naging Camp General Paulino T. Santos, at ang Biliran Police Provincial Office na naging Camp Private Andres P. Dadizon, Police Regional Office 8.

Pinangalanan din ng pangulo, ang Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters bilang Camp 2Lt. Carlos Rafael Paz Imperial, Police Regional Office 5.

Nakapaloob sa proclamation na ang pagbibigay ng pangalan at pagpapalit ng pangalan sa mga kampo at ari-arian ng PNP, ay ibinatay sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 10086, o ang Strengthening People’s Nationalism through Philippine History Act.

Facebook Comments