BJMP, naka-Red Alert sa lahat ng kulungan sa bansa sa pagsalubong sa Bagong Taon

Naka-Red Alert na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa lahat ng mga kulungan sa bansa sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera, layon nitong matiyak na naka-duty ang buong pwersa nila para umalalay sa mga dalaw ngayong holiday season.

Ipinag-utos ni BJMP Chief Jail Director Ruel Rivera, na ituloy pa rin ang pagtanggap ng mga bisita ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa mga kulungan sa bansa kahit tumapat sa Lunes ang Bagong Taon.


Karaniwan kasing walang dalaw ang BJMP tuwing Lunes, batay sa kanilang Special Operating Procedure.

Samantala, mahigpit ding babantayan ng BJMP ang mga pasilidad nila sa buong bansa upang mapigilan ang anumang untoward incident sa kasagdagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments