PBBM, pinirmahan na ang AO na lumilikha ng Task Force Degamo

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Administrative Order (AO) No. 6, na siyang lilikha ng Task Force Degamo.

Layunin sa pag-iisyu ng AO ay upang matiyak ang peace and order sa Negros Island at mapigilan ang paglala pa ng karahasan sa lugar.

Ang AO 6 ay nilagdaan ng presidente kaugnay pa rin ng nangyaring pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walo pang mga inosenteng sibilyan sa Negros Oriental at pagkasugat ng 17 Iba pa.


Sa pamamagitan ng AO mas mapapalakas pa ang kampanya kontra private armed group at loose firearms.

Magsisilbing chair ng Task Force “Degamo,” ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) habang co-chair naman ang Department of Justice (DOJ) secretary at kalihim ng Department of National Defense.

Magsisilbi namang task force commanders ang PNP Chief, AFP Chief of Staff at ang director ng National Bureau of Investigation (NBI).

Facebook Comments