Nais pabilisin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpoproseso sa mga permit ng mga proyektong may kinalaman sa enerhiya.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dapat na ipagsawalang bahala ang pagtitiyak sa energy sa gitna ng lumalaking populasyon.
Dapat aniyang paikliin din pag-iisyu ng pati na ang acquisition ng right of way para sa mga transmission system line project at distribution system.
Samantala, sinabi naman ng pangulo na nakikipag-ugnayan na ang Department of Energy (DOE) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para maalis ang mga road blocks at mabilis na mapalakas ang power transmission capabilities ng bansa.
Facebook Comments