PBBM: Reciprocal Access Agreement ng Japan, magkaiba sa Visiting Forces Agreement ng US

 

Nilinaw ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaiba ang Visiting Forces Agreement ng US at ang mungkahing Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi tulad ng VFA, sa RAA ay maaaring ikustodiya ng isang bansa ang kanilang mamamayan na lumabag sa batas.

Ito ay mungkahi pa lamang at hindi pa ganap na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.


Gayunpaman, ayon sa Malakanyang, magbibigay ito ng malaking kakayahan sa aspeto ng seguridad, paghahanda sa mga hindi inaasahang sakuna, at iba pa.

Mapapalakas din nito ang maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa ilalim ng mungkahing RAA ay mapapadali ang mga proseso at pagtatakda ng guidelines kapag ang puwersa ng Pilipinas ay bibisita sa Japan o vice versa para sa training at joint exercises.

Facebook Comments