PBBM, resulta ang hanap sa flood control scandal at hindi drama

Tiniyak ng Malacañang na kahit maingay ang politika, tuloy-tuloy ang trabaho ng pamahalaan para resolbahin ang kontrobersiya sa flood control project.

Ayon kay Presidential Communications Acting Secretary Dave Gomez, malinaw ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unahin ang resulta at huwag mag-aksaya ng oras sa drama.

Nananatili aniyang propesyunal ang galaw sa Palasyo at mahigpit na nagtutulungan ang mga ahensya para tukuyin ang mga dapat managot, mabawi ang nakulimbat na pondo, at ayusin ang palpak na sistema ng flood control.

Nakatutok din ang administrasyon sa pagpapanagot, pagbawi ng pera ng taumbayan, at pagtitiyak na hindi na mauulit ang ganitong anomalya.

Giit ng Palasyo, hindi magpapa-distract ang Pangulo at tuloy ang trabaho hanggang matapos ang imbestigasyon at masigurong mananagot ang lahat ng responsable.

Facebook Comments