Pinalalakas ng pamahalaan ang retraining program para sa mga dating Overseas Filipino Worker na nawalan ng trabaho at hindi makabalik sa trabaho pagbalik sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, sa pamamagitan ng TESDA at DOLE ay nag-aalok ang pamahalan ng tamang pagsasanay at kaalaman sa mga manggagawa para magkaroon ng mga bagong kakayahan na kailangan ngayon sa mas moderno, at post pandemic economy.
Halimbawa rin aniya rito ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged or Displaced Workers o TUPAD program o tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged or displaced workers ng DOLE.
Dagdag pa ng pangulo, naglaan ng malaking budget ang pamahalaan para ma-absorb ang mga retiradong OFWs o mga nawalan ng trabaho sa abroad pero gusto pang magtrabaho sa bansa.
Katuwang aniya ng pamahalaan ang pribadong sektor para mabigyan ng isa pang pagkakataong makapaghanapbuhay ang mga dating OFW.