Nagpaabot ng mensahe ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa mga deboto ng Sto. Niño kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan nito ngayong linggo.
Hamon ng pangulo sa mga deboto, ipalaganap ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagmamahal, pag-asa at tuwa.
Sa mensahe rin niya sa Sinulog Festival sa Cebu City, umaasa aniya siya na mananatiling nagkakaisa ang mga katoliko para sa pag-unlad ng ekonomiya ng buong lalawigan.
Hinimok din nito ang mga deboto na makipag-tulungan sa administrasyon para maparami pa ang oportunidad para sa lahat.
Dinarayo ang Cebu City lalo na tuwing kapistahan ng Santo Niño na ginaganap sa ikatlong linggo ng Enero kada taon.
Facebook Comments