PBBM, sasabak sa kabi-kabilang meetings ngayong araw

Magiging abala si Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw sa Brussels, Belgium.

Bagama’t bukas pa ang summit proper ng ASEAN-EU Commemorative Summit, uumpisahan na ng pangulo ang mga business meeting nito.

Pakay ng pakikipagpulong ng presidente ang makahikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.


Layunin nito na makahakot ng investments na lilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino at susuporta sa patuloy na pagpapalakas ng ekonomiya.

Una nang tinukoy ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang sa mga makakausap ni Pangulong Marcos ang uniliver para sa personal products expansion project nito na nagkakahagala ng P4.7 bilyon.

Mayroon din itong pulong sa isang ship building navigational logistic company na gustong maglagak ng P1.5 billion na negosyo sa bansa at inaasahang lilikha ng 500 hanggang 600 mga trabaho.

Facebook Comments