PBBM, sinorpresa ang ilang mga OFWs sa Singapore

Sinorpresa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang mall sa Singapore nitong Linggo ng tanghali.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagtungo si Pangulong Marcos sa Lucky Plaza Mall sa kahabaan ng Orchard Road kung saan maraming Pilipino ang tumatambay kapag day off.

Ito’y para kamustahin ang kanilang kalagayan at pasalamatan.


Hindi namam maitago ng mga OFW ang kanilang kasiyahan nang makita ng personal ang Pangulong Marcos at sinadya sila para lamang makita.

Inihayag ng mga OFW na patuloy silang sinusurpotahan ni Pangulong Marcos kung saan hangad nila na magtuloy-tuloy ang pagbabago sa bansa.

Malaki naman ang pasasalamat ng OFWs dahil hindi sila nakakalimutan ng Pangulo at hangad ang maayos na kalusugan at pag-angat ng ekonomiya.

Facebook Comments