Malacañang, muling magsasagawa ng Konsyerto sa Palasyo sa October 1

Naghahanda muli ngayon ang Palasyo ng Malacañang para sa gaganaping Konsyerto sa Palasyo na nakatakda sa October 1.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), ang gagawing konsyerto ay alay para sa mga guro sa bansa dahil sa ipinagdiriwang na National Teachers Month.

Ayon sa PCO, isang gabing puno ng musika mula sa mga talentadong magtatanghal ang ibibigay sa mga guro.


Kaya naman muling nanawagan ang Palasyo sa mga Pilipino na kung may pagkakataon ay manood ng Konsyerto sa Palasyo at makisabay sa awitin, makisaya at makiindak sa mga tugtugin.

Ang Konsyerto sa Palasyo ay dinadaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Live naman ito sa Facebook page ng Konsyerto sa Palasyo sa October 1.

Para sa lahat naman nang magpo-post na may kaugnayan sa Konsyerto sa Palasyo: paalala ng PCO huwag kalimutang gamitin ang ating official hashtags:

#KonsyertoSaPalasyo
#ParaSaMahalNatingMgaGuro
#Together4Teachers

Facebook Comments