Nag-aalala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga estudyante at gurong na-trauma matapos na marinig mismo ang palitan ng putok ng baril ng mga sundalo at rebeldeng komunista malapit sa kanilang eskwelahan sa Barangay Cawayan sa Masbate kamakailan.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang nangyaring ito ay pagpapakita lamang na mas dapat na paigtingin ang pagtugis sa mga komunistang teroristang grupo.
Dapat ayon sa presidente na ipagpatuloy lang ang pagiging vigilant para maiwasan ang kahalintulad na pangyayari sa hinahaharap.
Batay sa ulat ng militar, tumungo ang mga sundalo malapit sa eskwelahan sa Barangay Cawayan noong March 20 para berepikahin ang natanggap na impormasyon na may presenya ng armadong grupo.
Pero nagulat ang mga sundalo nang bigla silang paputukan ng mga rebelde dahilan nang pagkasugat ng 2 sundalo.