PBBM, suportado ang pagpatutupad ng NCAP sa mga kalsada

Pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpatutupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Para kay Pangulong Marcos, malaki ang maitutulong ng NCAP para sa epektibong pagpapatupad ng mga regulasyon sa kalsada.

Giit pa ng Pangulo, dahil sa NCAP ay maiiwasan ang korapsyon sa kalsada na taliwas sa paniniwala ng iba na gatasan lamang ito ng mga traffic at iba pang law enforcement agencies.

Isa aniya sa maiiwasan ay ang mga insidente ng panunuhol ng mga motorista sa mga traffic enforcer kapag nahuli sila noong wala pang NCAP.

Ayon sa Pangulo, noong pisikal pa kasi ang hulihan, may mga insidente na kinukuha ng enforcer ang lisensiya ng motorista pero may mga nakasiksik na pera sa lisensya pag-abot sa enforcer.

Ayon sa Pangulo, ngayong may NCAP na ay ibabase na ang paghuli sa kuha ng camera o CCTV, at direkta na sa sistema ang violation o mga paglabag.

Facebook Comments