
Sa gitna ng tensyon sa Middle East, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para hindi maramdaman ng husto ang epekto ng krisis.
Ayon sa pangulo, ang mas binabantayan aniya ngayon ng pamahalaan ay ang pagtaas ng presyo ng pagkain kung saan may magagawa ang gobyerno para mapababa ito.
Sa presyo ng langis, aminado ang pangulo na walang gaanong kontrol ang bansa dahil imported ito.
Gayunpaman, tiniyak ng pangulo na sapat ang suplay ng langis sa bansa at naghahanap na rin ng ibang mapagkukunan.
Wala rin aniyang problema sa fertilizer at iba pang produktong petrolyo dahil tinutupad ng mga supplier ang kanilang kontrata.
Facebook Comments










