PBBM, tiniyak ang suporta sa ASEAN at Canada para sa kapakanan ng migrant workers

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makikiisa at susuporta ang gobyerno ng Pilipinas sa mga programa at inisyatibo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Canada para sa kapakanan ng mga migrant workers.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa kanyang intervention sa ASEAN-Canada Commemorative Summit Sa Phonm Penh, Cambodia.

Sinabi ng Pangulo na suportado ng gobyerno ng Pilipinas ang TRIANGLE na proyekto ng Canada sa ASEAN na nanghihikayat o nagpo-promote ng patas na migration sa buong rehiyon.


Ayon sa Pangulo, ito ay magbibigay ng mas maginhawang working conditions at labor protection policies lalo na sa mga migrant workers na mababa ang sweldo.

Sa ngayon, 900,000 na mga Pilipino sa Canada ay mahalagang parte na ng Canadian Society.

Kaya naman nagpasalamat si Pangulong Marcos sa gobyerno ng Canada at sa Canadian people dahil sa maayos nilang pakikisama sa mga Pilipino.

Samantla, nagpasalamat din ang Pangulo sa Canada dahil sa suporta nito sa ASEAN para sa kapakanan ng mga kababaihan katulad ng pagpapatupad ng ASEAN Regional Plan of Action on Women, Peace and Security (WPS).

Layunin aniya ng inisyatibong ito na suportahang i-angat ang galing ng mga kababaihan sa pagnenegosyo.

Bukod dito, nakatutulong din ang ASEAN Regional Plan of Action on Wowen, Peace and Security para mabigyang benepisyo ang mga kababaihan patungkol sa ASEAN’s digital transformation.

Facebook Comments