PBBM, tiniyak na patuloy na pagagandahin ang ekonomiya ng bansa

Ibinalita mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang official Facebook account na siya’y natutuwa dahil sa pagbaba pa ng inflation rate ng bansa.

Batay kasi sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA nitong December 2023, bumaba sa 3.9 percent ang inflation rate ng bansa.

Sinabi ng pangulo, ito ay pinakamababang naitala nang nakaraang taong 2023 kasunod ng 4.1 percent na naitala noong November 2023.


Ayon sa pangulo, patuloy ang pagsusumikap ng gobyerno para pagandahin ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ngayong Bagong Taon aniya lalong palalakasin ang mga programa para sa agrikultura, at tututukan ang mga hakbang para mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.

Facebook Comments