PBBM, tiniyak na prayoridad ang pagsasaayos ng mga nasirang paaralan at ospital matapos ang naganap na lindol sa Mindanao

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipaprayoridad ng gobyerno ang pagsasaayos ng mga public schools at mga ospital na nasira dahil sa 6.8 magnitude na lindol sa Sarangani province.

Sa situation briefing sa General Santos City, sinabi ng Pangulo na sa oras na bumalik na sa normal ay sisimulan agad ang reconstructions.

Sa ngayon kasi nararamdaman pa rin ang aftershocks matapos ang 6.8 magnitude na lindol.


Sa kasalukuyan ayon pa sa pangulo, hanggang assessment pa lang ang nagagawa ng pamahalaan.

Batay sa ulat ng local government of Sarangani Province kay Pangulong Marcos, mayroong 20 public schools at 78 classrooms ang napinsala ng lindol.

Habang sa ulat ng naman ng opisyal sa General Santos City, 32 eskwelahan ang nasira.

Sa mga ospital naman, lahat ng public hospitals ay patuloy ang operasyon pero magsasagawa ng assessment para matukoy ang tibay ng mga gusali.

Habang ginagawa ito, utos ng pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na ituloy lang ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang apektado ng sakuna.

Facebook Comments