
Sapat ang supply ng langis sa bansa hanggang ngayong Hunyo.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng nararanasang krisis sa langis dulot ng tensiyon sa Middle East.
Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ng pangulo na nakausap niya ang Business Tycoon na si Ramon Ang kaugnay sa pagbili ng langis.
Ayon pa kay PBBM, gumagawa sila ng paraan para maibsan ang pasanin ng publiko dahil sa nagtataasang mga bilihin.
Ginawa ng pangulo ang pahayag nang pasinayaan ang pagbubukas ng NAIAX Westbound Off-Ramp to NAIA Terminal 3 Project sa Pasay City.
Facebook Comments










