Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtugon ng Pilipinas laban sa bagong 10-dash line ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa ambush interview sa Palawan, inihayag ni Pangulong Marcos na reresponde ang gobyerno sa lahat ng isyung may kaugnayan sa pagtatanggol ng territorial sovereignty at territorial rights.
Iginiit ni Marcos na dapat tiyaking mananatiling bahagi ng Pilipinas ang Pag-asa Island na makikita sa loob ng 10-dash line ng China.
Tiniyak ng pangulo na patuloy na sumusunod ang pamahalaan sa International Law partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
Ito ayon sa pangulo ay nagpapatibay sa claims sa maritime territory at suportado nang maraming bansa.
Una nang naghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa 2023 edition na mapa ng China kung saan mula sa dating 9-dash line sa South China pinalawak pa ito sa 10-dash line.