PBGen. Maranan, itinalaga bilang acting district director ng QCPD

Itinalaga bilang acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD) si PBGen. Redrico Maranan.

Pinalitan ni Maranan si dating QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III na nag-resign sa kanyang pwesto.

Ito ay matapos mapuna ng publiko ang tila pag-aabugado nito kay Wilfredo Gonzales na dating pulis na nag-trending sa social media dahil sa pananakit at pagkasa ng baril sa isang siklista sa QC kamakailan.


Samantala, hahalili naman kay Maranan bilang acting PIO Chief si PCol. Jean Fajardo.

Epektibo ang kautusan simula kahapon, Aug 31.

Facebook Comments