PBBM, tiniyak sa pamilya nang napatay na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo na magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay nito

Magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ito ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng pamilya nang napatay na gobernador matapos na personal na dumalaw sa burol ang pangulo kagabi sa Dumaguete City.

Sa media interview sa pangulo, sinabi nitong hindi titigil ang gobyerno hangga’t wala nakakamit na hustisya.


Dagdag pa ng pangulo na maging ang iba pang namatay na indibidwal sa pag-atake sa gobernador ay mabibigyan rin ng hustisya.

Bukod dito, nangako rin ang panulo sa mga naiwang anak ng mga namatay na indibidwal sa pag-atake na mabibigyan ang mga ito ng educational scholarship habang sasagutin ng gobyerno ang gastos sa ospital ng mga pasyenteng nasugatan sa insidente.

Una nang sinabi ng pangulo na naniniwala siyang pulitika ang motibo sa pagpatay sa gobernador.

Nang nakaraang buwan ay una nang idineklara ng Supreme Court na nanalo si Governor Degamo sa Negros Oriental gubernatorial race matapos ang isinagawang recount.

Facebook Comments