PBBM, nakiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day kahapon

Kaisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng buong mundo sa pagbibigay-pugay sa mga kababaihan sa International Women’s Day kahapon.

Sa maikling mensahe ng pangulo, binigyan nito ng pagkilala ang mga patuloy na pagpapakita ng tapang at determinasyon ng mga kababaihan sa kanilang tahanan, trabaho, at komunidad.

Ibinida rin ng pangulo ang larawan ng mga babaeng kalihim ng Marcos Administration.


Kabilang sina:

VP Sara Duterte,
PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil,
DMW Sec Toots Ople,
DVM Sec Amenah Pangandaman,
DOH Sec Rosario Vergeire,
Tourism Sec Christina Frasco,
DENR Sec Antonette Yulo,
At si First Lady Liza Araneta – Marcos.

Facebook Comments