Thursday, April 9, 2026

PBBM, tinuldukan na ang isyung may malubha siyang sakit

Balik na sa kanyang pang-araw-araw na routine at ehersisyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at maayos na ang kanyang kalagayan.

Ayon sa pangulo, wala siyang problema sa kalusugan at tuloy na ulit ang kanyang aktibong schedule, taliwas sa mga kumakalat sa social media na may malubha siyang sakit.

Ibinahagi rin niya na pinayuhan siya noon na umiwas sa matatabang pagkain, pero ngayon ay maaari na siyang kumain ng normal basta may pag-iingat.

Giit ng pangulo, hindi dapat agad paniwalaan ang mga usap-usapan sa social media tungkol sa kanyang kalusugan.

Nagpasalamat naman siya sa mga nag-aalala at tiniyak na wala silang dapat ipangamba.

Facebook Comments