Sigurado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi gagawin ng gobyerno ng China na payagang makabiyahe palabas ng kanilang bansa ang sinumang indibidwal na positibo sa COVID-19.
Ito ay sa harap na rin ng patuloy na pag-assess ng Pilipinas kung dapat na bang magpatupad na rin ng COVID travel restriction para sa mga Chinese travelers na tutungo sa Pilipinas.
Sa kapihan with the media sa China ni Pangulong Bongbong Marcos, sinabi nito na kailangan munang malaman o i-assess ang risk ng COVID-19 surge sa China bago magtatalaga ng COVID-19 restrictions kung kinakailangan.
Naniniwala naman ang pangulo na posibleng may problema sa pamamahala ng COVID-19 ang China kaya sa ngayon ayon sa pangulo ay nagkakaroon ng COVID-19 surge.
Facebook Comments