Pagtatayo ng Philippine Onion Research Institute, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing ang pagtatayo ng Philippine Onion Research Institute (PORI) na ilalagay sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Layunin ng panukala ni Suansing na maparami ang produksyon ng sibuyas sa bansa na ngayon ay lubhang napakataas ng presyo.

Sa inihaing House Bill 1379, binigyang-diin ni Suansing ang kahalagahan na mapataas ang produksyon ng sibuyas sa bansa na makatutulong sa pagpapa-angat ng ekonomiya.


Nakapaloob sa panukala ang pagtatayo at operasyon ng isang central experiment station kung saan gagawin ang mga pag-aaral upang maparami ang suplay ng sibuyas sa bansa.

Facebook Comments