PBBM, tiwalang makatutulong sa pamumuhay ng mga Pilipino ang North-South Commuter Railway

Buo ang paniniwala ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na makatutulong sa pamumuhay ng mga Pilipino ang itatayong North-South Commuter Railway o NSCR system.

Inihayag ito ni Pangulong Marcos, kasabay ng pagsaksi niya sa paglagda ng Pilipinas at Japan ng kontrata para sa planong NSCR system na ginanap sa Ceremonial Hall ng Palasyo ng Malacañang.

Ang nabanggit na kontrata ay nilagdaan nina Transportation Secretary Jaime Bautista at Mitsubishi Corporation Executive Vice President Koji Ota.


Ang NSCR system ay magdurugtong sa Clark, Pampanga patungo sa Calamba, Laguna.

Kapag natapos ay siguradong mapaiikli nito ang biyahe mula Clark International Airport patunong Calamba City at magtataglay ito ng 35 stations na may ligtas na access sa mga pasahero na matatag din laban sa mga kalamidad.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang naiselyong kontrata ay patunay sa kahalagahan ng mga proyektong pang-imprastraktura sa pagbangon at pagpapasigla ng ating ekonomiya.

Diin pa ni PBBM, ito rin ay hakbang sa pagtupad sa hangarin na mabigyan ng mas komportable at marangal na buhay ang bawat Pilipino.

Facebook Comments