Closure order ng Makati LGU laban sa Smart Communications Inc., binawi na

Kinumpirma ng PLDT Inc., na binawi na ng Makati City Local Government Unit (LGU) ang closure order nito laban sa Smart Communications Inc., kung saan ang headquarters nito ay matatagpuan sa lungsod.

Ito ay matapos na magsumite ang Smart ng accounting records sa Makati City Government hinggil sa kanilang mga kinita sa operasyon nila sa lungsod.

Nagkaroon din ang Smart at Makati LGU ng compromise agreement hinggil sa pagbabayad nila sa pagkakautang sa buwis.


Tiniyak din ng Smart na tatalima sila sa kanilang obligasyon sa pagbabayad ng buwis sa local city government ng Makati at maging sa national government.

Una nang pinadlock ng pamahalaang lungsod ng Makati ang tanggapan ng Smart sa lungsod matapos na mabigong magbayad ang telco ng ₱3.2 billion na utang sa buwis.

Facebook Comments