PBBM, tuluyan nang pinutol ang koneksyon sa ICC

Hindi na makikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa isinagawang Pag-IBIG Fund Chairman’s report sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nitong hindi na gagawa nang anumang hakbang ang pamahalaan para magkaroon ng ugnayan sa ICC.

Ito ay dahil ayon sa pangulo, hindi pinagbigyan ng ICC ang apela ng gobyerno na suspendihin muna ang imbestigasyon patungkol sa drug war sa bansa.


Giit ng pangulo, hindi na makikipagtulungan ang Pilipinas sa usaping ito dahil hindi hurisdiksyon ng ICC ang criminal court system ng bansa.

Matatandaang una nang kumalas sa ICC Founding Treaty si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ginagawang imbestigasyon ng ICC noon sa umanoy extra judicial killings sa Pilipinas noong taong 2011 hanggang 2016 dahil sa ipinatutupad na drug war.

Facebook Comments