Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang taga-lalawigan ng Ormoc na seryosohin ang pagpapabakuna lalo na ang booster shot kontra COVID-19.
Ginawa ng pangulo ang panawagan sa kanyang talumpati sa ika-78th founding anniversary ng Ormoc.
Ayon sa pangulo, 33% lamang sa kabuuang populasyon ng Ormoc ang may booster shot, kaya panawagan ng pangulo na makiisa sa PinasLakas Vaccination Campaign against COVID-19 ng pamahalaan.
Giit ng pangulo, dapat ay makuha ng Ormoc ang 50% rate ng mga bakunado para makuha ang tinatawag na wall of immunity.
Importante aniya na magpa-bakuna at booster shot para tuloy-tuloy na mabuksan ang lahat ng negosyo.
Dagdag pa ng pangulo dapat patuloy ring sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask dahil ito ay malimit nang nakakalimutan ng mga Pilipino.