Manila Cathedral, nag-anunsyo na bubuksan sa pubkiko ang blood relic ni Pope John Paul II

Bubuksan ng Manila Cathedral ang public veneration sa blood relic ni Pope John Paul II.

Ayon sa Manila Cathedral, makikita ang blood relic ng Santo Papa mula Oktubre 21 hanggang 23 ng 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Magkakaroon din ng banal na misa sa Manila Cathedral sa Oktubre 21 ng 7:30 ng umaga at 12:10 ng tanghali.


May misa rin sa Oktubre 22 sa Feast Day ni St. John Paul II ng 7:30 ng umaga.

Magsasagawa rin ng misa sa Oktubre 23 ng 8:00 ng umaga, 10:00 ng umaga at 6:00 ng gabi.

Facebook Comments