Wednesday, February 11, 2026

PBBM, walang colon cancer – Malacañang

Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na impormasyon na umano’y may colon cancer si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Umingay ang isyu matapos mag-post si Atty. Harry Roque ng larawan ng pangulo sa isang public event na tila may suot umanong colostomy bag.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat basta paniwalaan ang mga pahayag na nagmumula sa isang indibidwal na kilala sa pagpapakalat ng fake news.

Makikita naman sa kabuuang video ng event na maayos ang kalagayan ng pangulo at aktibo siyang nakihalubilo sa publiko.

Binigyang-diin ng Malacañang na ang pagpapakalat ng ganitong alegasyong walang basehan ay iresponsable at naglalayong manira, kaya’t nananawagan ito sa publiko na maging mapanuri at huwag magpaloko sa maling impormasyon.

Facebook Comments