
Walang pinagsisisihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging tandem nila ni Vice President Sara Duterte noong nakaraang halalan.
Ito ang paglilinaw ng Malacañang matapos humingi ng paumanhin si VP Sara sa publiko dahil sinuportahan niya ang kandidatura ni Pangulong Marcos, na aniya’y maaaring nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, hindi inaasahan ng Pangulo ang pagkasira ng kanilang alyansa.
Aminado rin aniya ang Pangulo na nabigla siya sa naging kilos ng Bise Presidente, kabilang ang umano’y kawalan ng pakikipagtulungan at mga pahayag laban sa administrasyon.
Gayunman, iginiit ng Palasyo na nananatiling nakatutok si Pangulong Marcos sa kanyang trabaho at sa pamumuno sa bansa.
Wala rin aniyang kontrol ang Pangulo kung hindi makiisa o tumulong ang Bise Presidente sa mga programa ng gobyerno.










