Cauayan City, Isabela – Ipinahayag ni PBGen Angelito A. Casimiro, bagong pinuno ng PRO2, na mayroon lamang isang buwan ang mga kasalukuyang nakahawak ng mga ibat ibang posisyon sa ilalim ng PRO2 para magpakitang gilas.
Kasama na dito ang mga hepe ng mga bayan, siyudad, probinsiya at mga staff sa rehiyon.
Ito ang kanyang ipinahayag sa panayam sa kanya pagkatapos ng kayang pormal na pagtuntong bilang pinuno ng Police Regional Office 2 ngayong araw ng Oktubre 23, 2019.
Sinabi pa niya na mayroon lamang siyang tatlong buwan para gawin ang kanyang trabaho sa PNP Region 2 at sa loob ng panahong ito ay mayroong mangyayaring balasahan ng mga opisyales sa buong rehiyon batay sa lingguhan at buwanang gagawing ebalwasyon.
Sa unang araw ng kanyang panimula bilang pinuno ng mahigit pitong libong kasapi ng PNP sa Rehiyon Dos ay agarang gagawin ang pagpupulong ngayong hapon ng Oktubre 23, 2019 para ipaliwanag ang mga panuntunan ng gagawing ebalwasyon sa mga kakayahan at paggampan ng mga opisyal ng PNP sa kani kanilang trabaho dito sa rehiyon.
Magpagayunpaman, sa gagawing pagbabago sa pamumuno ng ibat ibang himpilan ng pulis ay magbabase ito sa merito, kakayahan at abilidad ng mga opisyal.
Sinabi rin sa kanyang unang pakikipag-ugnayan sa lokal na media bilang pinuno ng PRO2 ay patuloy pa rin ang paggampan nila sa kanilang trabaho na protektahan ang mamamayan at panatilihin ang kapayapaan.
Si PBGen Casimro ay kapalit ng dating Direktor ng PRO2 na si PBGen Jose Mario Espino.
Ang pag-upo ni PBGen Casimiro bilang punino ng PRO2 ay sinaksihan ni PBGen Gilberto DC Cruz na siyang kasalukuyang Direktor ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Northern Luzon.
Kabilang ang Rehiyon Dos sa naapektuhan sa ginawang malawakang pagbalasa ni PNP officer in charge Lieutenant General Archie Gamboa.