PBGen. Ludan ng Police Regional Office 2, Binalaan ang Valley Cops na huwag Malilahok sa Pulitika

Cauayan City, Isabela- Nagbabala si PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan sa lahat ng kapulisan sa rehiyon dos na huwag makilahok sa usapin ng pulitika o hayagang pagdedeklara at pangangampanya ng kanilang napipisil na kandidato sa halalan 2022.

Sa kanyang pahayag, pinaalala ng heneral na ang kapulisan ay sumasalamin sa pagiging isang public servant at kailangan umano na manatiling pribado ang kanilang pananaw sa pulitika upang maiwasan ang negatibong ispekulasyon mula sa publiko.

Binigyan diin din nito na dapat ay manatili ang integridad at kredibilidad bilang tagapagpatupad ng batas at iginiit nito na ang mandato ng kanilang hanay ay protektahan ang publiko at tiyakin ang integridad ng halalan.


Kaugnay nito, binalaan niya ang lahat ng pulis na mahaharap sa kaukulang parusa sakaling may lumabag sa kanyang kautusan.

Una nang inatasan ni Ludan ang lahat ng unit commanders mula probinsya hanggang city directors at mga chief of police na manatiling bantayan ang kanilang mga kasamahan at walang isa man mula sa 9,474 strong police force ng PRO2 ang makikilahok sa partisan politics.

Facebook Comments