Nag-alok ng tulong ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa mga Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMEs) sa bansa upang maka-rekober sa epekto ng COVID-19.
Ayon kay PCCI President Benedicto Yujuico, maraming mga nagrerenta sa mga mall at commercial building ang hirap na makabayad dahil sa maliit na kita.
Kaya naghanda sila ng plano kung saan ibaba ang bayad sa renta kapalit ng percentage ng benta.
Ang tulong na ito ay i-aalok sa mga MSMEs hanggang makabawi ang mga ito sa pagkakalugi.
Facebook Comments