PCG at Philippine Marines, tutulong din sa pagpapatupad ng seguridad sa Maynila sa araw ng halalan

Bukod sa Manila Police District (MPD), tutulong din ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Marines sa pagbabantay ng seguridad sa lungsod ng Maynila sa araw ng halalan.

Ayon kay Atty. Gregorio Bonifacio ng Commission on Elections o COMELEC-Manila, tututukan din ng mga otoridad ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa araw ng eleksyon tulad ng social distancing.

Sisimulang i-deploy sa Maynila ang pwersa ng PNP, PCG at Philippine Marines sa May 3.


Mag-iisyu ng authorized ID ang Board of Canvassers ng Maynila sa lahat ng kanilang mga opisyal, mga kagawad ng media at maging sa mga itatalagang tauhan MPD, PCG at Philippine Marines.

Nilinaw rin ng COMELEC na hindi papayagan ang media coverage sa loob ng polling precinct.

Sa halip, pahihintulutan lamang ang media na kumuha ng video at larawan sa labas ng polling precinct, ang aktwal na pagsubo ng balota sa Vote Counting Machine.

Hindi rin papayagan ang media interview sa loob ng polling centers upang hindi makaabala sa proseso ng eleksyon.

Facebook Comments