Manila, Philippines – Tiniyak ni PCG Spokesman Captain Armand Balilo na hindi papakampante ang pwersa ng Philippine Coast Guard at mananatiling naka alerto sa kanilang ginagawang pagbabantay sa mga Pier at mga posibleng takasan ng mga terorista sa Mindanao.
Ayon kay Captain Balilo ang nasabing kautusan ay sa kabila nang pagkakapatay nina Abu Sayyaf leader at ISIS Emir sa South East Asia na si Isinilon Hapilon at Maute leader Omar Maute.
Dagdag pa ni Balilo mag papatuloy ang mahigpit na inspeksyon sa lahat nang lalabas at papasok na sasakyang pandagat sa lahat ng Pier sa Mindanao partikular na sa Northern Mindanao Zamboanga, Ozamis, Bungao, Iligan,CDO At Dapitan
Paliwanag ni Balilo ang naturang hakbang ay para matiyak na hindi malulusatan ang pwersa ng pamahalaan ng mga teroristang grupo.