NPA nacaptured matapos ang encounter sa North Cotabato

Isang sugatang new peoples army ang nacaptured ng tropa ng 39th Infantry Battalion matapos ang ilang na bakbakan sa barangay Batasan Makilala North Cotabato Kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Lt.Col.Harold Argamosa ang battalion commander ng 39IB, dakong alas 5:30 ng umaga ng makabakbakan ng kanyang mga tauhan ang front 51 ng NPA sa lugar makaraang magsumbong sa mga sundalo ang mga civilian dahil sa presensiya ng armado.
Ilang oras nagpalitan ng putok hanggang sa umatras ang mga NPA dahil sa dami ng tropa ng pamahalaan…Sinasabing ilang miyembro ng makakaliwa ang nasawi ngunit walang nakitang body count ang mga sundalo bagkus isang sugatang NPA ang kanilang nakita sa clearing operation.
Itoy kaagad na kinuha at dinala sa north cotabato provincial hospital..Narecover din ang mga landmines,mga documento at mga flag.

Facebook Comments