Suspendido na ang biyahe ng ilang uri ng sasakyang pandagat sa anim na probinsya sa South Luzon, dahil sa epekto ng Super Typhoon Goring.
Sa sea travel advisory na inilabas ng iba’t ibang distrito ng Philippine Coast Guard (PCG), hindi papayagang makabiyahe ang lahat ng sasakyang pandagat na may 250 gross tonage pababa, partikular sa probinsya ng:
– 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨
– 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐧𝐝𝐮𝐪𝐮𝐞
– 𝐑𝐨𝐦𝐛𝐥𝐨𝐧
– 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐥𝐥𝐨 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐨𝐟 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬
– 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧
– 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬
– 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧
– 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨
Gayunpaman, sinabi naman ng PCG na maaaring magpatuloy anumang oras ang mga biyahe sa oras na maging maayos ang lagay ng panahon.
Samantala, sa huling datos ng PCG, nasa 17 pasahero, driver, at cargo helpers, ang stranded sa mga pantalan sa South Luzon.
Facebook Comments