Ilang mga tsuper sa Maynila, nagpasalamat sa sorpresang handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho

Nagpasalamat ang ilang mga driver ng pampublikong mga sasakyan sa sorpresang dala ng DZXL 558 Radyo Trahaho.

Ito’y bilang handog sa ika-71 anibersaryo ng RMN at ika-5 anibersaryo ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ilan sa kanila ay nakatanggap ng mugs, wallclock, t-shirt at bigas sa ilalim na rin ng stickering promo ng Radyo Trabaho.


Partikular na nakatanggap nito ay mga jeepney, tricycle, taxi, toktok at pedicab drivers.

Ilan nga sa kanila ay sina Danilo Rutor na isang Taxi Driver, Jayson Diaz (tricycle driver), Reynante Guevarra (Pedicab driver), Romeo Cael (toktok driver) at Lauro Esponilla na isang jeepney driver.

Sa kabuuan, nasa sampung maswerteng driver mula sa Quezon City at sa lungsod ng Maynila ang nabigyan natin ng sorpresa sa dalawang araw na stickering promo.

Facebook Comments