PCG: Biyahe ng ilang mga sasakyang pandagat, suspendido sa anim na probinsya dahil sa masamang panahon

Suspendido na ang biyahe ng ilang uri ng sasakyang pandagat sa anim na probinsya sa South Luzon, dahil sa epekto ng Super Typhoon Goring.

Sa sea travel advisory na inilabas ng ibaโ€™t ibang distrito ng Philippine Coast Guard (PCG), hindi papayagang makabiyahe ang lahat ng sasakyang pandagat na may 250 gross tonage pababa, partikular sa probinsya ng:

– ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ
– ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ช๐ฎ๐ž
– ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง
– ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐๐ฌ
– ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ง ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง
– ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ
– ๐’๐จ๐ฎ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ง ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง
– ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ


Gayunpaman, sinabi naman ng PCG na maaaring magpatuloy anumang oras ang mga biyahe sa oras na maging maayos ang lagay ng panahon.

Samantala, sa huling datos ng PCG, nasa 17 pasahero, driver, at cargo helpers, ang stranded sa mga pantalan sa South Luzon.

Facebook Comments