PCG, hindi muna magsususpinde ng biyahe ng mga barko

Walang naitala ang Philippine Coast Guard (PCG) na mga stranded na mga pasahero at sasakyang pandagat sa harap ng banta ng Bagyong Betty.

Ayon sa PCG, hindi rin sinuspinde ng Coast Guard ang paglalayag ng mga barko dahil wala namang storm signal sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Inihayag ng PCG na may ilang shipping companies ang kusang nagsuspinde ng kanilang biyahe.


Sa kabila nito, nananatili namang naka-monitor ang PCG sa lagay ng panahon.

Nakaalerto rin ang mga tauhan ng Coast Guard sa mga lugar na may storm signal lalo na sa Northern Luzon.

Facebook Comments