PCG, iginiit na wala silang natanggap na distress call tungkol sa insidente sa Recto Bank

Iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala silang natanggap na distress call matapos banggain ng Chinese vessel ang Filipino fishing boat sa Recto Bank noong June 9.

Ayon kay PCG spokesperson, Capt. Armand Balilo – nalaman na lamang nila ang mga ulat mula sa task force on West Philippine Sea at sa mga kaanak ng mga mangingisda.

Aniya, agad na rumeresponde ang PCG kapag nakatanggap sila ng distress call.


Aminado naman ang PCG na mahirap i-monitor ang malawak na coastlines ng bansa kahit sanib-pwersa pa sila sa Philippine Navy.

Pero tiniyak ng PCG na patuloy nilang ginagampanan ang kanilang mandato na bantayan ang katubigan ng bansa.

Facebook Comments